Pag-aayuno
Ang pag-aayuno ay ang ika-apat na haligi; isinasagawa ito sa pamamagitan ng pag-iwas sa pagkain, inumin, at iba pang mga bagay na nagpapabali ng pag-aayuno mula sa pagsikat ng bukang-liwayway hanggang sa paglubog ng araw sa buwan ng Ramadan na pinagpala. Ang pag-aayuno ay isang paaralan para sa takwa, pagtitiis, at habag sa mga mahihirap.