Ang Dalawang Patotoo

Ang patotoo ay pintuan ng Islam, at ito ay ang pagsasabi: «Walang diyos na karapat-dapat sambahin maliban kay Allah; si Muhammad ﷺ ay ang Kanyang sugo». Ibig sabihin nito na walang tunay na sinasambahang diyos maliban kay Allah lamang, na walang kapareha, at si Muhammad ﷺ ay Kanyang alipin at sugo at selyo ng mga propeta.